BTO Family Base na

image description
BTO Family Base na

BTO Family Base na

Napakagandang balita ang Basta Taga Orani Program ng Bayan ng Orani! Isang programa na puno ng pagmamahal at suporta para sa mga pamilyang Oranian. Sa layuning magbigay ng tulong sa pangangailangan ng bawat pamilya, Ito ay gagawin ng Family Base, kung saan hindi lamang ang card holder ang magbebenipisyo kundi ang kaniyang pamilya na rin.


Ang naturang programa ay naglalayong magbigay ng suporta sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong, mula sa sa gamot hanggang sa pangangailangan burial.

Upang mai-tag ang BTO na family base, kailangan na lamang mag update ng inyong family record sa BTO online system o sa ating BTO center. Ang record ng inyong pamilya ay nakatala na sa BTO system.


Narito ang mga hakbang na gagawin upang maiupdate ang inyong record:

1. Magtungo sa online link na www.bto.oranibataan.com
2. Mag login gamit ang default username at password ()
3. Pumunta sa Family Profile at iupdate ang record ng bawat miyembro ng pamilya.


Dagdag pa rito, ang pangangalaga sa kalusugan ng bawat pamilya ay isa ring prayoridad ng programa isinusulong din ng pamahalaan ng Orani ang pag enroll ng bawas isa sa Philhealth. Para mas mapakinabangan ang benepisyo ng Universal Health Care Program ay makipag-ugnayan po kayo sa inyong Barangay Health Workers o Barangay Midwife upang kayo po ay ma-enroll sa programang ito.

image description
image description

Leave your Comments